
Tagalog Translation
Ang Kwento ng Isdambituin
Isang araw may taong naglalakad sa tabing dagat
at dahil sa bunga ng bagyo sa nakaraang araw napansin
niya na milyong milyong isdambituin ang nailipat
sa baybay at may isang bata na pinupulot ang
isang isdambituin at tinapon pabalik sa dagat.
Nilapitan niya ito at nagtanong, “Anong ginagawa mo?
Sa palagay mo meron kang magagawa? Maliit na bata ka lng
at kahit may libo libong tao pa dito ay hindi nila
mapupulot lahat na ito. Malaking problema
ito at wala kang kakaibang magagawa.
Ngumiti ang bata at pinulot ang isa pang isdambituin
at tinapon sa dagat at sinagot ang nakakatandang tao
“Meron akong nagawa na kakaiba sa isdambituin na iyon.”
